Netizen: Walang outrage sa mga napapatay ng drug addicts dahil PNP ang bahala doon | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Netizen: Walang outrage sa mga napapatay ng drug addicts dahil PNP ang bahala doon

Stay Woke

Netizen: Walang outrage sa mga napapatay ng drug addicts dahil PNP ang bahala doon

Ipinaliwanag ng isang netizen kung bakit walang public outrage sa mga nabibiktima ng mga umano’y drug addicts, sa kabila ng public outrage dahil sa pagpatay ng mga pulis kay Kian Loyd de los Santos.

Ayon kay JR Barreto, mas nakakainsulto pa umano sa Philippine National Police (PNP) kung may outrage sa isang kaso na ginagawan naman nila ng paraan upang bigyan ito ng hustisya.

“When drug addicts kill inocent people, walang public outrage kasi we TRUST that the PNP will be able to deliver justice for the victims. Actually, nakakainsulto sa PNP yun kung may public outrage over something that they’re trying their best to resolve,” ayon kay Barreto.

Para kay Barreto, ibang usapan kung ang mga pulis naman ang nakapatay ng inosente.

“Ngayon, when it’s the PNP who kills innocent people, ibang usapan na yan. Alam mo kung baket?!! BECAUSE THE PNP AREN’T SUPPOSED TO BE KILLING INNOCENT PEOPLE!!! Kaya may public outrage! Kaya nagagalit ang mga tao! Kasi the people they trust to deliver justice are the ones committing injustice! ” ani Barreto.

Dagdag pa ni Barreto, hindi na dapat magtanong kung bakit walang outrage sa mga nabibiktima ng mga adik dahil tiwala ang publiko na malulutas ito ng PNP.

“Kaya next time don’t ask us kung nasaan yung outrage namin kung may pinatay ang adik kasi we were TRUSTING the cops to do their job.” ani Barreto.

 

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Stay Woke

To Top