Netizens, kinastigo ang umano'y pagiging role model ni Mocha Uson sa kababaihan | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Netizens, kinastigo ang umano’y pagiging role model ni Mocha Uson sa kababaihan

'Di Best, 'Di Brightest

Netizens, kinastigo ang umano’y pagiging role model ni Mocha Uson sa kababaihan

‘Gago! Anong year ‘yan?’

Tahasang kinastigo ng mga netizens ang pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque na role model umano para sa mga kababaihan si PCOO Assistant Secretary Mocha Uson.

“Naniniwala talaga ako na modelo si Mocha Uson para sa ating kababaihan dahli si Mocha Uson, nakikita natin nagdesisyon siyang magbagong-buhay at talaga namang nagpu-pursige dito sa kanyang bagong buhay,” ani Roque.

“Ang sabi ko nga napakalaki ng potensyal na meron si Mocha Uson para magkaroon ng impact sa buhay ng napakaraming tao dahli ngayon pa lang ay sinusundan na siya,” dagdag pa ni Roque.

Ang pahayag ni Roque ay umani ng kaliwa’t kanang batikos at pagtataas ng kilay ng mga netizens.

Ayon kina Gibby Gorres (@gibbygorres), Aly Dela Rosa (@AlyDelaRosa) at Ralph Abainza (@AbainzaRalph),maraming Filipina ang mas karapatdapat na tawaging role model kumpara kay Uson.

Para naman kay Mark Angelo Roma, founding president ng yFACTph, hindi kabilang si Uson sa milyun-milyong hardworking Filipinas na ginagawang mas maayos ang lipunan.

Ayon naman kay PTV-4 host Jules Guiang, hindi maituturing na role model si Uson at lalong hindi siya admiring sa paningin ng mga batang babae.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in 'Di Best, 'Di Brightest

To Top