News5 reporter Gerard de la Peña sa mga MRT-3 Dalian trains: gumagana, umaandar, tumatakbo | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

News5 reporter Gerard de la Peña sa mga MRT-3 Dalian trains: gumagana, umaandar, tumatakbo

Stay Woke

News5 reporter Gerard de la Peña sa mga MRT-3 Dalian trains: gumagana, umaandar, tumatakbo

Pinasawalang-katotohanan ni News5 reporter Gerard de la Peña na hindi pwede gamitin ang mga biniling Dalian trains ng Aquino administration para sa MRT-3.

Sa isang post na may kaakibat na video, makikita na nagsasagawa ng revenue trips ang mga bagong tren.

Iginiit ni De la Peña na gumagana at umaandar ang mga ito, malayo sa mga akusasyon ng mga kasalukuyang transportation officials at ni Senator Grace Poe.

“Just to dispel rumors, eto po ang mga bagong tren ng MRT na binili sa Dalian, China during the previous administration — gumagana, umaandar, tumatakbo, kasya sa riles, kasya sa estasyon, malamig, malinis, bagong-bago,” ani De la Peña.

“Nakakalungkot lang na ang alam ng marami ay hindi raw ito tugma sa MRT, na hindi talaga ito pwede gamitin. Gusto pa nga ng isang Senador na isauli na lang ito sa China,” dagdag pa ni De la Peña.

Naniniwala si De la Peña na may iba pang motibo ang Duterte administration kung bakit hindi pinapatakbo sa MRT-3 system ang mga bagong tren.

“As to when this will be rolled out for public use, and as to what’s stopping the government from letting us poor commuters use this, your guess is as good as mine,” ani De la Peña.

Basahin ang buong post:

Just to dispel rumors, eto po ang mga bagong tren ng MRT na binili sa Dalian, China during the previous administration — gumagana, umaandar, tumatakbo, kasya sa riles, kasya sa estasyon, malamig, malinis, bagong-bago.

Nakakalungkot lang na ang alam ng marami ay hindi raw ito tugma sa MRT, na hindi talaga ito pwede gamitin. Gusto pa nga ng isang Senador na isauli na lang ito sa China.

At one point, yes, hindi tugma ang signalling system. Pero ngayon ay tugmang-tugma na ito at mismong ang Bombardier pa ang nagbigay ng certification.

Mabigat daw? Sabi ng mga eksperto ay within range naman daw ang bigat nito.

Sabi ng pamahalaan, kailangan pa raw ito ipacheck sa isa pang third-party auditor para masigurong ligtas ito gamitin ng mga commuter.

As to when this will be rolled out for public use, and as to what’s stopping the government from letting us poor commuters use this, your guess is as good as mine.

Ah, syanga pala mga Kapatid, ANIM NA TREN lang ang tumatakbo as of 10am today — malayong malayo sa minimum na 15 trains para walang siksikan at mahabang pila.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Stay Woke

To Top