Photojournalist Noel Celis, ikinuwento ang paghingi ng mga litrato ng ina ng Tokhang victim | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Photojournalist Noel Celis, ikinuwento ang paghingi ng mga litrato ng ina ng Tokhang victim

Stay Woke

Photojournalist Noel Celis, ikinuwento ang paghingi ng mga litrato ng ina ng Tokhang victim

Isinalaysay ng award-winning photojournalist na si Noel Celis ang palaging pakiusap sa kanya ng ina ng lalaking napatay dahil umano sa Oplan Tokhang ng administrasyong Duterte.

Ayon kay Celis, sa tuwing magkikita sila ni Nanette Castillo sa mga rally ay nakikiusap ito sa kanya na bigyan siya ng mga kopya ng litrato noong napatay ang kanyang anak na si Aldrin.

“Nanay na nakikiusap -pahinge ng pictures nuong na-tokhang kanyang anak,” ani Celis.

“Patay na katawan ay nasa kalsada, syang Nanay nakasalampak sa tabi ng duguang anak. Siguradong iiyak lang uli si Nanay, lalong magagalit oh malulungkot. Maaalala lang nangyari,” ani Celis.

Sa litratong kuha ni Celis, makikita ang pagtangis ni Nanette sa tabi ng kanyang anak na si Aldrin na wala nang buhay matapos mapatay ng mga riding-in-tandem.

Si Aldrin ay pinatay ng anim na riding-in-tandem sa Tondo, Manila noong October 2017.

Inamin ni Nanette na dating gumagamit ng droga ang kanyang anak, at iginiit na itinigil na niya ito.

“They always say the addicts fight the police. Does that mean that all the users have guns?” ani Nanette.

May mensahe naman si Nanette kay President Rodrigo Duterte.

“Why is it that the rich don’t get killed? Duterte, listen to me. Those Chinese who are behind the proliferation of drugs, why are they treated like VIPs? But the poor are killed even without proof,” ani Nanette.

Nagdadalawang-isip si Celis kung bibigyan niya ng mga litrato si Nanette, dahil alam niyang babalik sa isipan ng ina ang masakit na nangyari sa kanyang anak. Subalit sa huli ay nagdesisyon ito na ibigay na ang mga litrato.

“Bibigyan ba ng kopya oh hinde? Tuwing nagkikita kami sa mga rally ay pilit syang pinapatawa, binibiro -pero, nasaan na daw mga pictures? Puro pagpapa-iyak lang kayang gawin,” ani Celis.

“Pinadala na mga pictures. Pictures na iniiwasang tingnan, sa totoo lang,” ani Celis.

Nais ni Celis na makamit ni Nanette at ng kanyang pinatay na anak ang hustisya.

“Hay, Nanay Nanette Castillo, sana po ay makuha nyo hinahanap na katarungan para sa anak na si Aldrin,” ani Celis.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Stay Woke

To Top