Piolo Pascual: If we don’t look back, then the youth will grow up being insensitive | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Piolo Pascual: If we don’t look back, then the youth will grow up being insensitive

Stay Woke

Piolo Pascual: If we don’t look back, then the youth will grow up being insensitive

Binigyang halaga ng aktor na si Piolo Pascual ang muling pagbabalik-tanaw sa kasaysayan para maiwasan na ang dating mga pagkakamali.

Ayon kay Pascual, mahalagang ituro sa kabataan ang kasaysayan at katotohanan upang magkaroon sila ng pakialam sa lipunan.

“If we don’t look back, then the youth will grow up being insensitive, not knowing what’s happening around them,” ani Pascual.

“We have to constantly remind them and bombard them with facts. So that they would realize that their participation in our society is crucial,” dagdag pa ni Pascual.

Tampok si Pascual sa pinakabagong pelikula ng internationally-acclaimed filmmaker na si Lav Diaz na pinamagatang “Ang Panahon ng Halimaw”. Ang pelikula ay iikot sa kwento ng isang human rights violation victim sa panahon ng martial law.

Iginiit ni Pascual na mahalagang panoorin ang bago niyang pelikula dahil sa koneksyon nito sa mga nangyayari ngayon sa mundo.

“This situation has been going on [for quite some time]. And it’s not just happening here; it’s a global problem. We need to be more aware,” ani Pascual.

Nais ipakita ng pelikula, ayon kay Pascual, ang oppression na naganap noong martial law at kung bakit hindi na dapat ito maulit pa.

“The season of the devil is all about martial law, about the Marcos dictatorship. As citizens, we were oppressed. We don’t want that to happen again, and that’s why we have this film,” ani Pascual.

Ayon pa kay Pascual, mahalaga ang papel na ginagampanan ng mga artistang katulad niya sa panahon ngayon na may pagkakahati-hati.

“We are the representatives of the oppressed… We are the voice of the voiceless,” ani Pascual.

Hindi na bago kay Pascual ang gumanap sa mga politically-themed film. Noong 2002, bumida siya sa pelikulang “Dekada ’70” na hango sa akda ng manunulat na si Lualhati Bautista.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Stay Woke

To Top