Poll: Halos lahat ng mga netizens, nais panagutin si Duterte sa nangyari kay Kian de los Santos | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Poll: Halos lahat ng mga netizens, nais panagutin si Duterte sa nangyari kay Kian de los Santos

Stay Woke

Poll: Halos lahat ng mga netizens, nais panagutin si Duterte sa nangyari kay Kian de los Santos

Halos lahat ng mga netizens ang nais panagutin si President Rodrigo Duterte sa pagpatay kay Kian Loyd de los Santos, 17 taong gulang ng Caloocan City.

Ito ang lumabas sa aming isinagawang Twitter poll, at base sa mga nakuhang reaksyon sa Facebook.

96% ng 1,519 netizens na lumahok ay nagsabing dapat panagutin si Duterte sa nangyari kay de los Santos. Habang 4% naman ang nagsabing hindi.

Samantala, naniniwala naman ang mga netizens na ang mga naging pahayag noon ni Duterte ay nagbigay pahintulot upang patayin ng mga pulis si de los Santos.

Dagdag pa ng mga netizens, dapat rin umano panagutin ang mga kaalyado ni Duterte sa Kongreso dahil sa kawalan nila ng aksyon sa mga nangyayaring patayan.

Binatikos rin ng mga netizens ang umano’y paghingi ng “due process” para kay Davao City Vice Mayor Paolo Duterte, na isinasangkot rin sa droga.

 

 

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Stay Woke

To Top