Regine Velasquez kay Duterte: Huwag mong idamay ang Diyos! | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Regine Velasquez kay Duterte: Huwag mong idamay ang Diyos!

Stay Woke

Regine Velasquez kay Duterte: Huwag mong idamay ang Diyos!

Nanawagan ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid kay President Rodrigo Duterte na itigil na ang pagdamay sa Diyos sa mga birada nito laban sa mga kritiko.

Bagamat hindi mahilig makialam sa pulitika, nalulungkot si Alcasid sa pagkutya ni Duterte laban sa Diyos.

“Nalulungkot na talaga ako, hindi ako mahilig makialam sa mga ganito pero… Mr. President kuha na po namin na hindi kayo naniniwala kay GOD,” ani Alcasid.

Hinimok ni Alcasid si Duterte na huwag na nitong idamay pa ang Diyos dahil hindi naman ito namumulitika.

“Marami po sa amin ang naniniwala sa kanya. Hindi naman po namumulitika si God kaya wag na po natin siya idamay,” ani Alcasid.

Ang panalangin ni Alcasid sa Diyos ay ipakita nito kay Duterte ang tamang landas.

“But still I pray for you. May GOD bless you and may HE show you the right way to lead our country. In Jesus’ name I pray,” ani Alcasid.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Stay Woke

To Top