Robredo to Duterte: Kaysa magsabi nang hindi totoo, magtrabaho na lang siya | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Robredo to Duterte: Kaysa magsabi nang hindi totoo, magtrabaho na lang siya

Stay Woke

Robredo to Duterte: Kaysa magsabi nang hindi totoo, magtrabaho na lang siya

Kaysa mag-aksaya ng panahon sa pagsasabi ng kung anu-ano nang walang basehan, hinimok ni Vice President Leni Robredo si President Rodrigo Duterte na magtrabaho na lang ito.

Ayon kay Robredo, hindi niya papatulan ang pahayag ni Duterte na ‘hotbed’ umano ng shabu ang Naga City na kanyang hometown, wala naman daw itong naitutulong sa bansa.

“Ako kasi, ayaw kong mag-react. Ayaw kong patulan iyong ganyang mga statements kasi hindi naman iyan nakakatulong,” ani Robredo.

Madaming problema ang kinahaharap ngayon ng bansa ayon kay Robredo, kung kaya marapat na asikasuhin na lang nilang dalawa ang mga ito.

“Ang daming problema ng bansa; asikasuhin na lang iyong problema ng bansa kaysa pulitika parati. Kasi kaming dalawa hinalal until 2022,” ani Robredo.

“Obligasyon namin pareho na gawin iyong lahat naming makakaya para sa bayan, kasi iyon ang mandato sa amin. Kaysa mag-aksaya ng panahon nang hindi naman totoo iyong mga sinasabi, magtrabaho na lang kami pareho,” dagdag pa ni Robredo.

Para kay Robredo, pagtutuunan niya ng pansin ang pagpapabuti sa buhay ng mga Pilipino kaysa sagutin ang mga istoryang walang basehan na layon lang na i-distract ang publiko.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Stay Woke

To Top