Sa pagkamatay ni Kian: Nasaan kayo, Mocha, Aguirre, at VACC? | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Sa pagkamatay ni Kian: Nasaan kayo, Mocha, Aguirre, at VACC?

Stay Woke

Sa pagkamatay ni Kian: Nasaan kayo, Mocha, Aguirre, at VACC?

Dear Mocha Uson, Justice Sec. Vitaliano Aguirre II, at Volunteers Against Crime and Corruption (VACC),

Bukang-buka ang mga bibig ninyo kakatanggol sa kampanya kontra illegal na droga ni President Rodrigo Duterte. Saan man magtungo ang utak at pananaw ni Digong, doon rin nagtutungo ang mga utak niyo. Halos naka-programmed na sa inyo ang “walang EJK, mga kriminal at adik ay talagang nanlalaban.”

Sa pagkamatay ni Kian Loyd de los Santos, nasaan kahit mga anino niyo?

Mocha, bakit wala kang mai-post sa Facebook at Twitter tungkol dito?

Aguirre, bakit wala kang pa-presscon?

VACC chief Dante Jimenez, bakit hindi ka pa pumunta sa naulila ng biktima?

O papanindigan niyo rin ang paniniwala ni Duterte na sa narrative lamang ng mga pulis maniniwala? Anong tawag sa nakunan ng CCTV, edited? Ano naman ang tawag sa natuklasan ng mga saksi, kathang isip?

Adik ba si Kian? Hindi. Isa lamang siyang 17 taong gulang na nag-aaral, at nagbabantay lamang ng tindahan noong mangyari ang insidenteng iyon.

Hindi nag-iisa si Kian. Hindi nag-iisa ang kaso niya, dahil mula sa libu-libong mga pinatay at sinabing “nanlaban”, mayroong kaso na katulad kay Kian.

Panigurado, kahit ilang tao pa ang matulad kay Kian, tatahimik na lamang at magte-tengang kawali na lang kayong tatlo.

Masakit kasi sa ego, ano?

Kahit nariyan na ang katotohanan, pipilitin niyo pa rin baluktutin dahil ang inyong mga utak at konsensiya ay na kay Digong lamang, wala sa mga ordinaryong Pilipino.

Ang inyong pananahimik sa kaso ni Kian ay pananahimik rin ng katarungan para sa kanya.

Subalit, sa mata ng Diyos, sa mata ng kanyang pamilya’t kaibigan, at sa mata ng mga Pilipino, ang katarungan ay dapat manaig para kay Kian.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Stay Woke

To Top