Senator Miriam: Pag palagi kang "I invoke my right", sa isip ng publiko may tinatago ka! | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Senator Miriam: Pag palagi kang “I invoke my right”, sa isip ng publiko may tinatago ka!

Stay Woke

Senator Miriam: Pag palagi kang “I invoke my right”, sa isip ng publiko may tinatago ka!

Nag-viral ang isang pahayag na ginawa ni dating Senator Miriam Defensor-Santiago noong 2013.

Ito ay kasunod ng hearing ng Senado kaugnay sa P6.4 bilyong shabu na naipuslit sa Bureau of Customs na dinaluhan ni presidential son Davao City Vice Mayor Paolo Duterte.

Bago pa man mangyari ang pagdinig, pinayuhan na ni President Rodrigo Duterte ang kanyang anak na si Paolo na gamitin ang “right against self-incrimination” upang sagutin ang mga katanungan ni Senator Antonio Trillanes IV.

Sangkot sa smuggling si Pulong dahil kabilang umano ito sa Davao Group na ibinunyag ni whistleblower Mark Taguba.

Ilang beses ginamit ni Pulong ang “right against self-incrimination” upang sagutin si Trillanes, at kaagad na napansin ito ng mga netizens.

Naalala ng mga netizens ang pagdinig noon ng Senado kaugnay naman sa pork barrel scam kung saan sangkot si Janet Lim-Napoles, na ilang beses rin ginamit ang “right against self-incrimination”.

Sa nasabing pagdinig, dito sinabi ni Santiago na sa isip ng publiko, ang paggamit nito ay nagpapakita lamang na may itinatago ang isang tao.

“Pag ganyan kang magsagot ‘I invoke my right’, lahat na lang ng tinanong ‘I invoke my right’ ibig mong sabihin sa publiko. Sa isip at utak ng publikong Pilipino may tinatago ka!” ani Santiago.

Photo Courtesy: The Legacy of Miriam Defensor Santiago FB page

 

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Stay Woke

To Top