Senior Justice Antonio Carpio, interesadong palitan si De Castro sa pagka-Chief Justice | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Senior Justice Antonio Carpio, interesadong palitan si De Castro sa pagka-Chief Justice

Stay Woke

Senior Justice Antonio Carpio, interesadong palitan si De Castro sa pagka-Chief Justice

Tatanggapin na ni Senior Associate Justice Antonio Carpio ang automatic nomination sa pagka-Chief Justice, matapos manungkulan ng kasalukuyang punong mahistrado na si Teresita de Castro.

Ayon sa source ng Philippine Star, interesado si Carpio na pamahalaan ang hudikatura dahil sa “seniority rule” na basehan sa pagkakatalaga kay De Castro.

Matatandaang hindi tinanggap ni Carpio ang nominasyon matapos patalsikin sa pwesto si dating CJ Maria Lourdes Sereno sa pamamagitan ng quo warranto.

Bumoto si Carpio kontra sa quo warranto petition, at iginiit nito na ayaw niyang makinabang sa pagkakatanggal kay Sereno kung kaya hindi niya tinanggap ang automatic nomination.

Sa ngayon, tatanggapin na ni Carpio ang nominasyon sapagkat wala nang isyu sa legalidad o delicadeza sa Supreme Court.

Sakaling maging Chief Justice, si Carpio ay manunungkulan hanggang October 2019.

Si Carpio ang pinakamatandang associate justice sa Korte Suprema.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Stay Woke

To Top