UP student Kevin Mandrilla sa mga Duterte supporters: Ayaw niyong harapin ang katotohanan | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

UP student Kevin Mandrilla sa mga Duterte supporters: Ayaw niyong harapin ang katotohanan

Stay Woke

UP student Kevin Mandrilla sa mga Duterte supporters: Ayaw niyong harapin ang katotohanan

May mensahe uli ang senior analyst at UP Graduate School student na si Kevin Mandrilla sa mga tagasuporta ni President Rodrigo Duterte.

Tungkol ito sa pagmamaliit ng mga Duterte supporters sa mga isinagawang anti-Duterte rallies sa nakalipas na isang taon.

Ayon kay Mandrilla, palaging bukambibig ng mga Duterte supporters ay bayaran lang daw ang mga sumasali sa protesta at hindi alam ang pinaglalaban.

Iginiit ni Mandrilla na ayaw harapin ng mga Duterte supporters ang katotohanan na nagigising na ang taumbayan at tinatanggihan na ang naratibong nais ipinta ng administrasyong Duterte sa kanilang mga isipan.

Basahin ang buong post ni Mandrilla:

Simula nung magprotesta ang mga tao laban sa gobyernong ‘to last year, ang bukambibig ng mga Ka-DDS ay bayaran lang naman daw ang mga nasa rally at hindi alam ang pinaglalaban.

Gustong gusto nilang sabihin ‘yan kasi umaayon ito sa kanilang naratibo na may “destabilization” kuno na pinamumunuan ng mga mayayamang “Dilawan”. Essentially, gusto nilang tanggalan ng kredibilidad ang lahat ng kontra sa gobyerno

Una, kung meron mang nag-destabilize sa bansang ‘to, baka lang naman ito ‘yung gobyernong na naging sanhi ng libu-libong patayan. Susuportahan niyo ‘yang palpak na war on drugs tapos magrereklamo kayo na pangit ang tingin sa’tin ng mundo ngayon, sabay sisi sa iba. Pero ‘yung bastos at sinungaling na presidente, bini-baby niyo — isang presidente na ang daming tinatago, mismong anak pa dawit sa drug trade. Of all possible crimes, doon pa talaga.

Pangalawa, kung iisipin mo lang, madaling masabi kung sino ang mas mukha at talagang bayaran. Sino ba ang mga supporters na mahilig mag-copy paste ng mga comments kung saan-saan para lang ihijack ang mga comment threads? Sino ba ang pumupunta sa rally ng naka-bus tapos pare-parehas ng mga placards? Nakakatawa nga kasi ‘yung ibang mga sasakyan at placards may mga pangalan pa ng mga pulitiko.

Pangatlo, gumigising na ang mga tao. Gumigising na sila hindi lang sa kamalian ng war on drugs at alyansang Duterte-Marcos, kung hindi pati na rin sa kababawan ng Duterte vs. Dilawan narrative. Sobrang gasgas na. Parang daing na ‘yan sa katuyuan. Pero alam ko hindi kayo maka-move on diyan kasi kapag nabasag ‘yan, para kayong mga jolen na nahulog sa lalagyan.

Ang simpleng katotohanan na ayaw niyong harapin ay hindi na ito tungkol sa mga dilaw, pula, o puti — tungkol na ito sa walang saysay na pagkamatay ng libu-libong Pilipino; tungkol na ito sa hustisya at karapatan; at korny mang pakinggan, tungkol na rin ito sa hinaharap natin bilang isang lipunan.

Sa maraming debate na nakita ko, kapag natatalo na ang isang Ka-DDS, lagi kong naririnig ang (non) rebuttal na “So anong gusto niyo, ibalik ang LP?”

Nakakalungkot na ‘yan ang puno’t dulo ng lahat para sa maraming Ka-DDS. Okay lang na maraming mamatay basta hindi dilaw ang nakaupo — ganun lang ‘yun? Kahit na walang sense ito, sasagutin ko na rin – HINDI. Hindi namin specifically gustong bumalik ang LP. Ang gusto naming bumalik first and foremost ay katinuan. Gusto nating ibalik ang isang gobyernong nagiisip, at nirerespeto ang pampublikong opisinang hinawakan nila. Gusto nating ibalik ang respeto sa buhay at karapatan, at gusto nating muling maging maayos na member ng international community.

Tanungin niyo sana kung kaya pa bang ibalik ni Duterte iyan. Pero hangga’t wala ‘yan, asahan niyong may lalaban.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Stay Woke

To Top