UP graduate: Mga bata, mahihirap ang puntirya ng gobyerno; hindi ang ugat ng drug problem | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

UP graduate: Mga bata, mahihirap ang puntirya ng gobyerno; hindi ang ugat ng drug problem

Scandalous Government

UP graduate: Mga bata, mahihirap ang puntirya ng gobyerno; hindi ang ugat ng drug problem

Binuweltahan ng isang iskolar ng bayan ang panibagong aksyon ng administrasyong Duterte kontra sa illegal na droga.

Para kay John Benedict Felices, Sociology graduate mula sa University of the Philippines – Los Baños, hindi pinupuntirya ng pamahalaan ang ugat ng problema sa illegal na droga.

“Ugat ng problema ng droga sa Pinas: drug smugglers; mga protektor ng palitan ng droga; ibang mga politiko,” ani Felices.

Ang pinupuntirya ng gobyerno, ayon kay Felices, ay ang mga “grade 4 pataas (drug test); mga mahihirap na walang choice; mga tambay na walang kasalanan; mga batang may kinabukasan.”

Minungkahi ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na magkaroon ng mandatory drug testing para sa mga mag-aaral mula Grade 4 pataas. At sa isang estimate, aabot sa P4 bilyon ang gagastusin ng pamahalaan para maisakatuparan ito.

Pumalo naman sa higit 7,000 ang inarestong mga tambay ng National Capital Region Police Office (NCRPO) simula nang ipag-utos ni President Rodrigo Duterte ang “anti-tambay” drive na nagdudulot umano ng krimen.

Hinimok ni Felices ang lahat na gumising na habang iginiit nito na hindi makamasa’t makamahirap si Duterte.

“Ginamit niya ang mga yan para lang manalo at patuloy na maisulong ang interes ng mga naghaharing uri,” ani Felices.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Scandalous Government

To Top