Vico Sotto kinontra ang tiyuhing si Tito Sen kaugnay sa P1,000 CHR Budget | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Vico Sotto kinontra ang tiyuhing si Tito Sen kaugnay sa P1,000 CHR Budget

Stay Woke

Vico Sotto kinontra ang tiyuhing si Tito Sen kaugnay sa P1,000 CHR Budget

Binatikos ng anak ni Vic Sotto at Pasig City Councilor Vico Sotto ang pag-apruba  ng House of Representatives sa panukalang P1,000 budget ng Commission on Human Rights (CHR) para sa 2018.

Salungat ito sa naging pahayag ng kanyang tiyuhin na si Senator Tito Sotto.

Ayon kay Vico, halos lahat ng mga tao ay hindi naiintindihan ang kahalagahan ng CHR, at sabay patutsada sa mga kongresista.

“I think most people don’t understand the value of the CHR… PERO MGA CONGRESSMAN KAYO EH ANO BA ANG GUSTO NYONG MANGYARI SA BANSA,” ani Sotto.

Dagdag pa ni Sotto, nais niyang bahaginan ng kanyang monthly salary ang CHR kung sakaling matuloy ang P1,000 budget sa 2018.

“In case this becomes a reality for 2018, I will donate a fixed % of my monthly salary to the CHR (assuming it’s legal for me to do so),” ani Sotto.

 

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Stay Woke

To Top