VP Leni kay Bato: Malalaman mong may ambisyon ako pag meron akong mascot, standee sa mall | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

VP Leni kay Bato: Malalaman mong may ambisyon ako pag meron akong mascot, standee sa mall

'Di Best, 'Di Brightest

VP Leni kay Bato: Malalaman mong may ambisyon ako pag meron akong mascot, standee sa mall

TEA KILLED SOMEONE.

Tinabla ni Vice President Leni Robredo si PNP chief Dir. Gen. Ronald “Bato” dela Rosa matapos sabihin nito na mayroon umano siyang ambisyon na maging presidente.

Ayon kay Robredo, malalaman ni Dela Rosa kung may intensyon siya na maging presidente kung mayroon na rin siyang mga mascot at standee sa mga mall.

“Malalaman siguro ni General na may ambisyon ako pag meron na din akong mascot, at saka meron na rin akong standee sa mga mall,” ani Robredo.

Matatandaang mayroong mascot at standee si Dela Rosa.

Dagdag pa ni Robredo, wala siyang presidential ambition hangga’t wala pa siyang mascot at standee.

“Pero hanggang wala pa akong mascot at standee sa mall, ibig sabihin hindi ko inaambisyon,” ani Robredo.

Iginiit pa ng Pangalawang Pangulo na nakatuon siya sa kanyang trabaho at hindi sa 2022 elections.

“Napakaraming oras yung kailangan natin para magtrabaho para isipin ang susunod na eleksyon,” ani Robredo.

Presidential ambition

Ayon kay Dela Rosa, patapusin muna ni Robredo si President Rodrigo Duterte at tulungan ito bago niya pangarapin na maging Pangulo.

“Kung gusto niya maging presidente, subukan natin siya pero patapusin nya muna ang buong administration para matapos mga plano ng Presidente. Sana suportahan na lang niya,” ani Dela Rosa.

Sinabi rin ni Dela Rosa na bukas siya sa posibilidad na tumakbo sa 2019 elections.

“Kung may tsansa, depende na sa sitwasyon. I am open for anything. Pero sa ngayon, wala pa sa isip ko ‘yan. Trabaho lang muna ako bilang pulis,” ani Dela Rosa.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in 'Di Best, 'Di Brightest

To Top