VP Leni Robredo: Huwag na natin pag-aksayahan ng panahon si Mocha Uson | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

VP Leni Robredo: Huwag na natin pag-aksayahan ng panahon si Mocha Uson

Stay Woke

VP Leni Robredo: Huwag na natin pag-aksayahan ng panahon si Mocha Uson

A moment of silence for Mocha…

Huwag na dapat pag-aksayahan ng panahon si dating PCOO Assistant Secretary Mocha Uson. Ito ang sagot ni Vice President Leni Robredo matapos tanungin siya tungkol kay Uson.

Matatandaang hinamon ni Uson si Robredo ng magharap silang dalawa ng ‘mata sa mata, eyeliner sa eyeliner’.

“Patas na ang laban ngayon, wala akong tinatago, wala akong kinakatakutan, magharapan tayo, mata sa mata, eyeliner to eyeliner, mahilig din siya mag-eyeliner,” hamon ni Uson kay Robredo.

Nang matanong si Robredo kaugnay kay Mocha, ito ang kanyang tugon: “Ay, wala na. Huwag na natin iyong pag-aksayahan ng panahon.”

Nauna nang sinabi ng kampo ni Robredo na walang oras ang Pangalawang Pangulo sa hamon ni Uson dahil busy ito sa pagtatrabaho.

“Pasensiya na si Mocha. Di tulad niya, si VP Leni kasalukuyang nagtratrabaho para sa ating mga kababayan, at walang oras para pansinin ang mga chikka niya. Salamat na lang sa imbitasyon, pero busy kami sa totoong trabaho,” ani Atty. Barry Gutierrez, ang tagapagsalita ni Robredo.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Stay Woke

To Top