WATCH | Showtime MiniMe contestant: Paano naging hero ang pulis eh nambabaril 'yan | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

WATCH | Showtime MiniMe contestant: Paano naging hero ang pulis eh nambabaril ‘yan

Stay Woke

WATCH | Showtime MiniMe contestant: Paano naging hero ang pulis eh nambabaril ‘yan

WOKE

Nagulantang ang lahat ng mga nanonood ng ABS-CBN noontime variety show na “It’s Showtime” sa sagot ng batang contestant sa segment nilang “MiniMe”.

Pinag-uusapan ng Showtime hosts at ng contestant na si Carl Nathaniel Garcia ang mga pulis.

Tinanong ni Vhong Navarro kung bakit hindi bibigyan ni Garcia ng trophy ang pulis.

“Bakit hindi trophy ibibigay mo sa kanya? Dahil siyempre hero siya eh, tumutulong siya atin,” tanong ni Navarro.

Tugon ni Garcia, papaano magiging hero ang pulis kung ito naman ay nambabaril.

“Ano pong hero? Nambabaril ‘yan!” ani Garcia.

Pinanindigan naman ni Navarro na hero ang mga pulis, habang dinepensahan naman nila Ronnie Alonte at Karylle ang bata at sinabing may napanood lang ito.

Sa unang bahagi ng segment, tinanong ni Navarro si Garcia kung ano ang karaniwang ginagawa ng pulis sa kanilang lugar.

“Ano bang ginagawa ng pulis ‘dun sa mga maiingay o yung sinabi mong magulo sa lugar niyo? Anong ginagawa niya?” tanong ni Navarro.

Ayon kay Garcia, binabaril o kaya sinasaktan ng pulis ang mga maiingay o nanggugulo sa kanilang lugar.

“Para po niyang binabaril, ‘di kaya ano, sinasaktan,” tugon ni Garcia.

 

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Stay Woke

To Top