WATCH | Tula ng High School student: Inflation ang tunay na adik sa lipunang may sakit | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

WATCH | Tula ng High School student: Inflation ang tunay na adik sa lipunang may sakit

Stay Woke

WATCH | Tula ng High School student: Inflation ang tunay na adik sa lipunang may sakit

Viral ngayon sa social media ang tula ng isang estudyante ng Caloocan City Science High School kaugnay sa inflation.

Ang pinamagatang “Inflation sa mata ng bata” ay nakatanggap ng magkahalong reaksyon mula sa netizens.

Narito ang buong tula:

“Klang! Klang! Klang”

Ang tunog ng baryang inisa-isa, pampabili ng kahit anong magpapatahimik sa pusong aba at tiyang nagwawala

“Broom! Broom! Broom!”
Tunog ng mga jeep, taxi, at bus
Hinaing ng tsuper, ‘walang pera mauwi sa pamilyang umaasa’
Gasolina ang problema
“Ineng! Ineng! Ineng!”
Sigaw sa palengke ng tindera
Walang bumibili ng isang libong bawat kilo ng sili
“Thug! Thug! Thug!”
Tunog ng yapak ng amang naglalakad
Tinitiis ang sikat ng araw
Huwag lang mamasahe ng mahal
Sayang ang sampung pisong pandagdag ulam pa
Heto, heto ang mga tunog na naririnig ko
Mga kababayang nagsusumamo sa palasyong hindi nakikinig
Lahat ng pangako’y hindi lang nila ng bibig

Wika ng lolo ko, ‘makiramdam ako
Noong panahon nila, sumikat na talaga
Truck ng NFA, bilang bigas bank
Murang bigas pinaghirapan mula sa lupa
Ngayon, para makabili paghihirapan pang muli
Tago doon, tago dito
Gintong bigas naghihintay na ilabas
Pagtaas ng presyo hihintayin pa
Tuloy bulok na, may libreng bukbok pa
Isa, dalawa, tatlo
Tatlong daan lang pera ng tatay ko
Apat lima anim
Anim pang papakainin nito
Pito walo siyam
Siyamnapu ang sukling dapat maiwan
Pero ngayon katiting na sampu na lang

Pero paano ba yan?
Lilipas din daw ito
Basta masipag ka
Hindi ka maaapektuhan
Masipag naman sila
Pero bakit tila naririnig, nararamdaman naming mga bata
Patuloy ang sigaw at pagsusumamo
Ng mga tiyan na lagi ay gutom
Isip ay nakalugmok sa pag-asang pagbabago

Inflation, inflation, inflation
Ang tunay na adik sa lipunang may sakit
Adik sa pagkain ng pera ng tao
Kung ito’y tao, malamang natokhang na ito
Nakabulagta’t duguan sa madilim na kanto

Bata man ako, tunay na alam ko
Dalangin ko’y pagbabago
Sana’y pakinggan nyo
Kinabukasan ko’y nakataya
Sa lipunang mapagkalinga
Dahil mahal ko, Pilipinas na bayan ko.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Stay Woke

To Top