Duterte, 2015: Sarhan mo yung EDSA, Roxas Blvd, airport... Putangina! Anong klaseng gobyerno 'to? | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Duterte, 2015: Sarhan mo yung EDSA, Roxas Blvd, airport… Putangina! Anong klaseng gobyerno ‘to?

Uncategorized

Duterte, 2015: Sarhan mo yung EDSA, Roxas Blvd, airport… Putangina! Anong klaseng gobyerno ‘to?

Hindi nalalayo ang estilo ng administrasyon ni President Rodrigo Duterte sa mga ginawang hakbang ng Aquino administration sa paghawak ng international summits sa bansa.

Noong 2015, idinaos ang Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit sa Pilipinas, kung saan main event ang pagdating ng mga heads of state at libu-libong delegates sa Maynila.

Isinara sa publiko ang buong kahabaan ng Roxas Boulevard at nagpatupad ng special lanes at stop and go scheme sa EDSA at ilang lansangan sa Makati.

Nagdeklara rin ng suspensyon ng klase at trabaho sa kasagsagan ng APEC Summit, at isinara ng ilang oras ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) upang bigyang daan ang pagdating ng mga APEC leaders sa bansa.

Sa kanyang campaign speech, binatikos ng noo’y Davao City Mayor at presidential candidate Duterte ang naging hakbang ng administrasyong Aquino.

“Kanino ako galit? Galit ako para sa inyo! Hindi naman para sa akin. Nakita ko kasi, sarhan mo yung EDSA, sarhan mo yung boulevard, sarhan mo yung airport, limang araw walang eroplano at diyan sa EDSA nakita ko, nagbababaan kayong lahat, naglalakad sa init at yung nanganak diyan sa tabi kasi hindi makapunta ng ospital. Putang-ina! Anong klaseng gobyerno ito?” ani Duterte.

Ayon kay Duterte, dapat umano ginaya na lang ni dating Pangulong Benigno Aquino III ang ginawa ni dating Pangulong Fidel Ramos kung saan idinaos ang APEC sa Subic.

“Eh si Ramos, noong unang APEC, doon sa Subic. Eh di doon sana. Biro mo, nagbababa diyan sa init, bata, babae,” ani Duterte.

ASEAN 2017

Ngayong idadaos sa Pilipinas ang ASEAN Summit, pinili ng gobyerno ni Duterte na gayahin ang istratehiya ng nakaraang administrasyon.

Sinuspinde ni Duterte ang pasok sa mga paaralan at trabaho sa Metro Manila, Pampanga, at Bulacan mula November 13 hanggang 15.

Magpapatupad naman ng mga lockdown at road closures sa Roxas Boulevard, at stop and go scheme sa North Luzon Expressway (NAIA) at EDSA.

Maaapektuhan naman ang mga flights sa Clark International Airport dahil doon ang magsisilbing entrada ng mga world leaders sa bansa.

Samantala, mapipilitan naman ang mga manggagawa na pumasok sa kanilang mga trabaho sa kasagsagan ng ASEAN Summit dahil ipaiiral ang “no work, no pay” policy sa Metro Manila, Pampanga, at Bulacan.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Uncategorized

To Top