Mocha Uson, kabilang sa 2019 senatorial line-up ng PDP-Laban | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Mocha Uson, kabilang sa 2019 senatorial line-up ng PDP-Laban

Uncategorized

Mocha Uson, kabilang sa 2019 senatorial line-up ng PDP-Laban

RIP Pilipinas

Inanunsyo ni House Speaker Pantaleon Alvarez ang ilan sa mga kasali sa senatorial line-up ng PDP-Laban para sa Halalan 2019.

Ang PDP-Laban ay ang partido ni President Rodrigo Duterte at takbuhan ngayon ng mga balimbing na mga pulitiko.

Ayon sa ulat ng SunStar, pinangalanan ni Alvarez na nagsisilbing secretary-general ng partido ang mga personalidad na kabilang sa senatorial line-up.

Ito ay sina:

  • Presidential Spokesperson Harry Roque
  • PCOO Assistant Secretary Mocha Uson
  • Davao City Rep. Karlo Nograles
  • Negros Occidental Rep. Alfredo Benitez
  • Bataan Rep. Geraldine Roman
  • Presidential Adviser Francis Tolentino

Samantala, naunang inanunsyo ni Senate President Koko Pimentel ang ilan sa mga personalidad na nabanggit ni Alvarez na tatakbo sa 2019.

Tatakbo sa pangalawang termino si Pimentel habang ipinahayag niya dati na kasali sa pinagpipilian ng partido sina House Majority Floor Leader Rodolfo Farinas at Senator JV Ejercito.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Uncategorized

To Top